16/10/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT SA ATING MGA HURADO NG GULAYAN SA PAARALAN 2026 💚🌱
Sa ngalan po ng NIS at ng aming butihin principal maam Joan Lat Garcia lubos po ang aming pasasalamat sa ating mga iginagalang na hurado na sina Hon. Eugene Domingo, Hon. Josenilo Saldua ,Sir Junier Felarca at ma'am Thelma Parrenas para sa Search for Best Gulayan sa Paaralan 2026 sa paglalaan ng inyong mahalagang oras, kaalaman, at pagsisikap upang maisagawa ang validation sa aming Gulayan sa Paaralan
Ang inyong suporta at pagkilala ay nagbibigay-lakas sa aming mga g**o, magulang, at buong komunidad ng paaralan na patuloy na isulong ang pagtatanim ng gulay, pangangalaga sa kalikasan, at pagtataguyod ng malusog at masustansiyang pagkain para sa ating mga mag-aaral.
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal sa inyong paglilingkod at dedikasyon para sa ikauunlad ng ating paaralan at komunidad.
maraming-maraming salamat po sa inyong lahat!
Ang inyong oras at paglilingkod ay tunay naming pinahahalagahan.