25/07/2026
ZONAL VALUE vs. MARKET VALUE vs. SELLING PRICE vs. ASSESSED VALUE...
Ano ang dapat sundin kapag magbebenta ng lupa?
Maraming nalilito sa apat na terminong ito. Heto ang simpleng paliwanag:
🏛️ Zonal Value – Ito ang value na itinakda ng BIR. Ginagamit ito bilang basehan sa pagkukuwenta ng ilang taxes.
📈 Market Value – Ito ang kasalukuyang halaga ng property batay sa demand, location, at bentahan ng mga katulad na lupa sa lugar.
💰 Selling Price – Ito ang presyong napagkasunduan ng buyer at seller. Ikaw bilang seller ang nagtatakda nito, basta't realistic at naaayon sa market.
🏢 Assessed Value – Ito ang value na ginagamit ng LGU para sa pagkukuwenta ng Real Property Tax (Amilyar). Kadalasan, mas mababa ito kaysa market value.
So, ano ang dapat sundin?
✅ Kung presyo ng ibebenta, ang pinakamagandang basehan ay ang Market Value, kasama ang location, accessibility, development, at demand.
⚠️ Ngunit sa pagbabayad ng buwis at transfer of title, maaaring gamitin ang Selling Price o Zonal Value, alinman ang mas mataas, depende sa applicable tax rules.
Property Wisdom:
Huwag basta magpresyo dahil lang sa sabi-sabi. Alamin ang market value at siguraduhing kumpleto ang legal requirements bago magbenta.