12/11/2025
✨🏡𝗣𝗔𝗣𝗔𝗔𝗡𝗢 𝗠𝗢 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗞𝗨𝗡𝗚 𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗥𝗘𝗔𝗗𝗬 𝗞𝗔 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗜𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬?✨
Marami satin ang nangangarap ng sariling tahanan, pero ang tanong: handa na ba talaga tayo?
Alamin natin ang 5 simpleng signs na dapat mong i-check:
1️⃣ Stable Income – Dapat consistent ang kita mo buwan-buwan. 💡 Tip: Siguraduhin na tuloy-tuloy ang kita mo at hindi putol-putol. Ang mahalaga, may sapat kang panghulog sa bahay at panggastos sa araw-araw.
2️⃣ Down Payment – Kailangan may naipon ka na (10–20% ng presyo ng bahay).
💡 Tip: Mag-ipon nang hiwalay para sa down payment. Kahit maliit ang naiipon buwan-buwan, basta consistent, makakarating ka rin sa target.
3️⃣ Monthly Expenses – Hindi lang amortization ang gastos, may kuryente, tubig, groceries, at iba pa.
💡 Tip: Gumawa ng listahan ng lahat ng bayarin mo (kuryente, tubig, internet, groceries). Idagdag mo ang hulog sa bahay. Kung pasok pa rin sa budget at may natitira, ibig sabihin kaya mo.
4️⃣ Credit History – Maayos ba ang record mo sa utang? On-time ba ang bayad mo dati?
💡 Tip: Kung lagi kang on-time magbayad ng utang o credit card, mas madali kang ma-approve sa loan. Kung may late payments dati, ayusin mo muna bago mag-apply.
5️⃣ Emergency Fund – May ipon ka ba para sa biglaang gastos (3–6 months ng expenses)?
💡 Tip: Magtabi ng ipon na hindi gagalawin, pang-backup lang sa biglaang gastos. Ito ang magsisiguro na tuloy-tuloy ang hulog mo kahit may aberya.
✅ Kung “YES” ka sa karamihan dito, good sign na ready ka na! Kung hindi pa, don’t worry — ang mahalaga may plano ka at may guide ka.
👉 Sa 𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐒𝐜𝐞𝐧𝐢𝐜 𝐏𝐫𝐨𝐩𝐞𝐫𝐭𝐲, tutulungan ka naming maghanda at makahanap ng bahay na swak sa budget at pangarap mo.
Contact:
📃Email us: [email protected]
📞Phone no: 63-962-358-7456