13/10/2026
17 units sold this September. đź’™
Katumbas ng ₱50M na property value pero higit pa sa numbers, may mga pamilyang natulungan at mga ahente na patuloy na natututo at nag lelevel up.
Sa likod ng bawat sale, may pamilyang pinag-isipan ang desisyon, nagtiwala sa proseso, at umaasang makahanap ng property na para sa kanila. Malaking responsibilidad ang samahan sila, tulungan silang maunawaan ang mga option nila, at makapagdesisyon nang may kumpiyansa at buong tiwala.
At habang tinutulungan natin ang mga clients, may sarili ring growth ang bawat ahente mas nagiging confident, disciplined, at determinado para sa kinabukasan ng pamilya.
Salamat sa bawat client na nagtiwala, at sa bawat ahente at leader ng Diamond Empire na nagpakita ng sipag at malasakit. Pinagsaluhan natin ang panalong ito. đź’™
Patuloy tayong tutulong sa mas maraming pamilya at sabay-sabay na lalago. ✨