20/09/2026
🚨 Mga Senyales na Maaaring Dumaranas ng Postpartum Depression ang Isang Nanay
• Bigla na lang umiiyak kahit wala namang malinaw na dahilan.
• Madaling mairita kahit sa maliliit na bagay.
• Pabago-bago ang isip at mga plano.
• Pakiramdam niya wala siyang nagagawang tama bilang ina.
• Madalas tahimik, pero ang totoo, ang dami na niyang iniisip.
• Nawawalan ng gana sa mga bagay na dati niyang kinatutuwa.
• Hirap matulog kahit pagod na pagod, o gusto na lang matulog palagi.
• Madalas mapagod kahit wala namang mabigat na ginagawa.
• Gusto na lang mapag-isa dahil pakiramdam niya walang makakaintindi.
• Madalas nakakaramdam ng guilt at iniisip na pabigat na lang siya.
Bago mo siyang tawaging maarte, reklamadora, o sobrang emosyonal, isipin mo muna ang pinagdaanan niya.
Kaya imbes na husgahan siya, yakapin mo siya ng pag-unawa. Baka ang kailangan lang niya ay marinig na, “Hindi ka nag-iisa”. “Nandito lang ako."