25/07/2026
Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa ating Panginoong Diyos sa walang sawang paggabay, lakas, at mga biyayang ipinagkaloob Niya. Ang lahat ng tagumpay na ito ay para sa Kanya.
Maraming salamat din sa aking pamilya sa kanilang walang sawang pagmamahal, suporta, at paniniwala sa akin sa bawat hakbang ng aking journey.
Taos-puso rin akong nagpapasalamat kay Ma'am Mars Ellen Mercado ang aking manager, sa patuloy na paggabay, pagtitiwala, at paghubog sa akin upang mas pagbutihin pa ang aking trabaho. Maraming salamat din kay Sir Dun-gil Etcubañas Sumilang aming Junior Sales Head, sa walang sawang suporta, pag-alalay, at inspirasyon sa amin sa lahat ng oras. Sa akin mga ka team thank you sa pagsama, at pagbibigay saya🥹 Team Whitefox Dorothy Bermas Stephanie Dhafhnie Poleracio Jaelah Mujar - Insigne Allyza Talaro JC Taguas Catapang
Lubos din akong nagpapasalamat sa Development Corporation at sa buong Calayan Family sa pagbibigay ng napakagandang oportunidad, tiwala, at pagkakataong magkaroon ng mas magandang buhay at mas magandang kinabukasan.
🏆 Top 1 Overall Sales Executive – All Territories
🏆 Top 1 Sales Executive – Quezon
Hindi ito ang katapusan ng aking paglalakbay, kundi simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay. Patuloy akong magsisikap, magpapakumbaba, at magbibigay ng aking buong makakaya.
To God be all the glory! 🙏💙