21/10/2026
Inaasahang magiging mas mabilis at maayos ang biyahe sa pagitan ng Metro Manila, Cavite at Laguna sa pagbubukas ng dugtungan ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).
Ayon sa Cavitex Infrastructure Corporation at MPCALA Holdings Inc., nasa huling yugto na ang konstruksyon ng mga nawawalang bahagi ng 44.6-kilometrong tollway network.
Layunin ng proyekto na magkaroon ng tuloy-tuloy na biyahe mula SLEX Mamplasan Interchange sa Biñan, Laguna hanggang Kawit, Cavite, na inaasahang makatutulong sa pagpapagaan ng trapiko at pagpapabilis ng transportasyon sa mga karatig-lugar.