27/08/2026
Nakakataba po ng puso… 🥹❤️
Wala pong mas sasaya pa sa pakiramdam bilang isang Real Estate Broker kundi ang marinig na naging maayos, tapat, at maaasahan ang ating serbisyo para sa ating mga mahal na kliyente.
Maraming, maraming salamat po kay Ma’am (at sa kanyang pamilya mula sa Rome, Italy) sa buong tiwala na ipinagkaloob ninyo sa akin mula sa paghahanap ng property hanggang sa pag-aasikaso ng mga papeles. Isang malaking karangalan po ang makapaglingkod sa inyo.
Ang inyo pong magagandang salita ang patuloy na nagbibigay sa akin ng inspirasyon na magtrabaho nang may integridad, sipag, at malasakit.
Ingat po palagi sa inyong pagbabalik sa Rome, Italy at nawa'y patuloy po kayong gabayan ng Poong Maykapal !! 🙏🙏🙏
- Maricel Parambita
Prosperity Homes and Real Estate Services