11/10/2026
Hindi porket kaya mo ang monthly, afford mo na ang bahay.
Ito yung mistake na madalas ginagawa ng first-time buyers.
Nakikita nila:
“₱15K monthly lang naman.”
Kaya iniisip nila,
“Okay, afford ko ‘yan.”
Pero wait.
Ang monthly amortization ay isang part lang ng total cost ng bahay.
Bago ka bumili, dapat tinitingnan mo rin:
1. Magkano ang total cash-out mo?
May down payment, reservation, fees, move-in expenses, at possible additional costs.
2. Magkano ang matitira sa income mo pagkatapos ng monthly?
Hindi pwedeng ubos ang sahod mo sa bahay.
May pagkain, utilities, transportation, insurance, emergency fund, at ibang responsibilities.
3. Kaya mo ba siya kahit may unexpected expense?
Kasi ang tunay na affordability, hindi lang kapag okay ang buwan.
Ang tanong hindi lang:
“Kaya ko ba ang ₱15K monthly?”
Mas magandang tanong:
“Kaya ko ba ang bahay na ’to nang hindi nasisira ang buong budget ko?”
Kasi ang goal sa pagbili ng bahay isn’t simply to get approved.
Ang goal ay magkaroon ng bahay na kaya mong panindigan long-term.
At bago ka mag-reserve o maglabas ng pera, compute muna.
Huwag hintayin na nakapag-commit ka na bago mo malaman kung kaya mo pala talaga. ⏳
Kung first-time buyer ka at gusto mong malaman kung anong budget ang realistic para sa income mo, message mo ako. Tutulungan kitang i-check muna ang numbers bago ka mag-decide. 🏡
Mas okay ang maagang pag-compute kaysa late mong marealize na hindi pala comfortable sa budget mo.
Message me by clicking ny messenger m.me/DirectMessageDecaHomes
Viber 09564188564