21/10/2026
BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE, KONTRATA TARGET IGAWAD SA NOBYEMBRE
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na igawad sa Nobyembre ang kontratang nagkakahalaga ng hanggang ₱7.25 bilyon para sa Bataan-side approach ng Bataan-Cavite Interlink Bridge, habang hinihintay ang pagsang-ayon ng Asian Development Bank (ADB).
Ayon kay Public Works Secretary Vivencio Dizon, nakabinbin pa sa ADB ang pag-apruba sa kontrata.
Inaasahang magpapalakas sa koneksiyon ng mga rehiyon at magpapasigla sa ekonomiya ang 32.15-kilometrong tulay na magdurugtong sa Bataan at Cavite sa kabila ng Manila Bay.