03/08/2022
BISA NG BIRTH, DEATH AT MARRIAGE CERTIFICATES SA BANSA, FOREVER NA
Forever na ang bisa ng mga birth, death at marriage certificate matapos na maging awtomatikong batas ang "Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death and Marriage Act", dahil sa pag-lapse into law nito.
Ayon sa nasabing batas, hindi na kailangan na pauli-ulit na kumuha ng mga nasabing dokumento sa Philippine Statistics Authorty (PSA) o kahit sa dating National Statistics Office (NSO) dahil kikilalanin na ito kahit anomang petsa ito nakuha.
Si Sen. B**g Revilla Jr. ang pangunahing nagsulong ng nasabing batas dahil sa mga ulat na may ahensya ng pamahalaan na humihingi ng nasabing mga dokumento pagkaaran ng anim na buwan na nagdudulot lamang ng dagdag gastos sa mga mamamayan ng bansa./fsg
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=8681602411865095&id=187059061319515&sfnsn=mo