14/09/2026
SO, SINO BA TALAGA ANG NANALO? (Basahin ng mabuti)
Marami pa rin ang nag-iisip na kung sino ang may pinakamaraming seats, siya na agad ang magiging Chief Minister.
Hindi ganoon ang parliamentary system.
Sa BARMM, 80 seats ang Parliament, at kailangan ng 41 votes para magkaroon ng majority.
Sa partial results na ito:
UBJP — 31
BFP — 30
BGC — 15
Meaning, walang isang party ang may 41 seats.
Kaya dito papasok ang alliances and coalitions.
Kung magkaisa ang UBJP + BFP = 61 seats, may clear majority na sila (M**F won)
Kung hindi sila magkasama, kailangan nilang makipag-alyansa sa ibang parties para maabot ang 41.
So, hindi lang ito tungkol sa kung sino ang nanguna sa election.
The bigger question is, who can build the majority?
At higit sa lahat, hindi dapat matapos ang usapan sa sino ang nanalo?
Because once the Parliament is formed, the real responsibility begins..
Paano nila gagamitin ang majority para mas mapaglingkuran ang Bangsamoro?
Different parties may have different political interests, but the people should have one common expectation.. better governance, peace, and genuine service.
Note: The figures above are based on the attached partial/unofficial canvass and should not be treated as final until officially confirmed.