02/10/2026
BAGONG SPORTS DESTINATION SA CAVITE, ITATAYO SA GENERAL TRIAS
Magtatayo ang Villaroman Golf Academy ng 2.7-hectare sports facility sa Maple Grove na may driving range, golf simulators, practice areas at tatlong pickleball courts. May kasama rin itong gym, restaurant, sports bar, café at players’ lounge kaya puwedeng maging bagong puntahan hindi lang ng golfers at athletes, kundi pati ng mga naghahanap ng bagong hobby at leisure spot sa Cavite.