03/11/2026
Minsan, ang bahay na kinalakihan natin, na dating puno ng tawanan at masasayang alaala, ay siya ring nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan.
Noong magkakasama pa kayong magkakapatid, simple lang ang buhay. Pero ngayong mayroon na kayong kanya-kanyang pamilya, pati simpleng bagay sa kusina, bayarin sa bahay, at responsibilidad sa pag-aalaga sa inyong mga magulang ay nagiging dahilan ng pagtatalo. Hindi masamang manatiling magkakasama, pero kailangan din nating maintindihan na habang lumalaki ang pamilya, lumalaki rin ang responsibilidad.
Minsan, ang pagkakaroon ng sariling tahanan ay hindi paglayo sa pamilya. Ito ay pagbibigay ng pagkakataon para magkaroon ng sariling buhay, matutong tumayo sa sariling paa, at higit sa lahat, mapanatili ang pagmamahalan at respeto sa isa't isa.
Kaya kung panahon na para bumukod at magkaroon ng sariling bahay, nandito ang RNSG Realty Services at ako, si Nikki Siman, para tulungan kang simulan ang bagong chapter ng buhay mo.
"Ang tunay na samahan ng pamilya ay hindi nasusukat sa kung gaano kayo katagal nanirahan sa iisang bahay, kundi sa kung paano ninyo pinipiling magmahalan at magrespeto kahit magkakahiwalay na kayo ng tahanan."
REB Batanguena Nikki Siman
CEO | Broker of RNSG Realty Services
0917 123 4615
PRC Licensed No. 32528