14/10/2026
📢📢‼️ ANNOUNCEMENT: FREE ANTI-RABIES VACCINATION FOR DOGS AND CATS‼️📢📢
Magandang araw po, mga ka-Pagsibol 4A!
Ipinababatid po sa lahat ng residente na magkakaroon ng 3-Kilometer Rabies Ring Vaccination na pangungunahan ng Office of the Municipal Veterinarian ng Naic, Cavite, bilang tugon sa naiulat na kaso ng rabies sa ating lugar.
📅 Petsa: October 20, 2026 (Tuesday)
📍 Lugar: Pagsibol Village 4A
⏰ Oras: 8:00 AM – 11:30 AM
🐶🐱 Inaanyayahan po ang lahat ng may alagang aso at pusa na makiisa at dalhin ang kanilang mga alaga para sa pagbabakuna laban sa rabies.
Mahalaga po ang pagbabakuna upang maiwasan ang pagkalat ng rabies at maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng ating pamilya at buong komunidad.
Paalala: Pakihanda po ang inyong mga alagang aso at pusa sa oras ng pagbabakuna. Mangyaring gumamit ng tali o carrier para sa kaligtasan ng lahat.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!
HOA Management
Pagsibol Village Phase 4A